Add parallel Print Page Options

27 At (A)hatiin mo ang samsam ng dalawa; sa mga lalaking mangbabaka na nagsilabas sa pakikipagbaka, at sa buong kapisanan:

28 Bigyan mo ng buwis ang Panginoon sa mga lalaking mangdidigma (B)na nagsilabas sa pakikipagbaka: isang tao sa bawa't limang daan, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, at sa mga asno at sa mga kawan:

29 Sa kalahating nauukol sa kanila, ay kukunin mo at ibibigay mo kay Eleazar na saserdote na pinaka handog na itinaas sa Panginoon.

Read full chapter